|
So, what one and important thing must I blog here. Ahhhh...blank...aha...yah...still blank. My brain hurts when I try to think! I really don't have a brain, you see. I know that coz I don't feel any pain now. Ok, game. As I go about in the countrysides exploring some communities and their "non-performing assets"--possible resources people do not realize they own or have no strong knowledge how to explore, I feel like I'm racing hard with Father time hoping to beat big businesses before they jump in and take away what should be for small people's development and progress. God, don't let the giants snatch the gems your little ones rightfully own. *** So what else can you tell me what possible reason remains in a country where most of her citizens wish to change their citizenship if they could? Nararamdaman ko na maraming ang gusto na talagang "mag-resign" na maging Filipino! At ano nga ba kaya talaga ang magandang lugar na pwedeng ipalit sa Pilipinas at angkop talaga para sa mga Pinoy? And in the end kaya, pag tayo-tayo pa rin ang nagsama-sama, will life get better for all of us? Tsk. I doubt. Kaya nga it would be impossible for us to win professional international team sports competion dahil we are not a team country. Magaling tayo sa kanya-kanya. Or solo-solo. Ok naman at meron tayonf pambato na Paeng Nep, Efren Bata, Manny PacMan--at talagang saludo ako sa kanila. Pero kelan kaya pwede akong umasa na may malapit na parating na tagumpay at makikilala tayo internationally na mga team players din pala. Probably before meron din naman siguro team achievements. E bakit tila di na maulit muli ngayon? ***
Pagtuunan din natin kasi ng pansin na sa oras na may mga umaangking sila ang tunay na lider at nakakapagsabing alam na alam na nila kung ano ang dapat na gawin para raw sa "kapakanan ng taongbayan", mabuti yata patayin na lang natin agad and radyo at tv o panoorin na lang natin ang butiki sa kisame at pakinggan ang sinasabi nila sa ating mga Pinoys: tsk! tsk tsk!
Kung kapakanan ng taong bayan ang tunay na isinusulong ng bawat namumuno o gustong mamuno e bakit kaya sila patuloy na humuhukay ng napakalalim na hukay at gustong ibaon ng buhay ang kapakanan ng Pilipinas? Ano ba ang lecheng kapakanan na sinasabi nilang yan? Ang mapalitan lang ba ang pamunuan ang dapat na gawin para tayong lahat ay umunlad?
Umasa na tayo dati ng maraming beses na sa ganoong paraan ng pagpapalit ng pamunuan natin matitikman ang sarap ng kalayaan. Pero hanggang ngayon bigo tayo. Wala kasi tunay na pamunuan ang may puso para sa kapakanan ng tao. At kahit may puso man, ang buong bansa ay maraming galis sa katawan na kamot na lang ng kamot ng kanyang malagkit na balat sa katutunganga buong maghapon! Wala naman talagang maraming tao ang gustong gumawa o maging bahagi ng pagsulong ng kapakanan ng taongbayan. At sa palagay ko pa rin ang pinakadelikadong tao sa panahon natin ngayon ay ang mga tinaguriang mga technocrats at specialists na maiingay at gustong maging mga dios na magpapatakbo sa buhay antin bilang bansa. Sila ang mga salot sa ating panahon na pinapaniwala tayo ng lubos ng walang pag-aalinlangan. Mga demigods na pinuputakte lagi para pagkakitaan ng media upang sakupin ang utak nating mga Pilipinong walang matibay na pag-iisip ng kung ano ang mas makakabuti sa sarili. Sila ang mga senador, artista, gabinete, tongressmen, meyor, etc, etc. Wala naman kasi silang iniisip kundi ang kapakanan lang talaga nila.
FINALLY, the main point of my blog today is : Kung meron akong gustong sisihin sa kung bakit nakalugmok pa rin ang ating bansa ngayon ay wala ng iba kundi sila Tito, Vic and Joey. Isama mo na dyan si Wawa-Willy! At baket? Dahil sila at ang mga kampon nila sa malalaking tv network ang umaagaw sa milyong-milyong oras ng Pilipino upang hindi maging mga produktibong mga mamamayan.
Sa ibang bansa--halimbawa muli sa Alemanya, Sweden, Norway at iba pa--ay ginagamit ang mahahalagang oras nila sa paghubog ng kanilang kaisipan tungo sa kung paano sila matututong mabuhay ng may dagdag-kaalaman, dagdag na pagkakakitaan, dagdag na karangalan, at sigasig sa pagsalubong sa hamon ng buhay.
Bakit hindi natin sila tularan. Ibangon natin ang ating dangal. OO nga po, Tita Susan, pero tell that first to the marines! Hindi yata kase pwede ang mga taga-showbiz na kagaya mo ang nakakaalam kung paano gawin ang pagbabangon na yun. Sarili nyo kase di nyo alam kung anong dangal na bunga meron. Pwede po ba tignan nyo sarili nyo. Sana makaya po nyo tignan para naman baka sakali hindi na laging buntisan at magpabuntis ang alam gawin ng mga taga-showbiz. Carry nyo ba?
Ganumpaman, hangad ko sana na magbago na nga tayong lahat. Sana more and more of us would really live the life and that at the end of each day, we truly did more good than harm. Ciao, ciao.
|
| Leave a Comment: |