<< June 2005 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed

Friday, June 10, 2005
Re: MOTMOT's "LANGIT KA...lupa ako.."


According to Motmot, " LANGIT KA...lupa ako.."  http://motlers.blogdrive.com . Thursday, June 09, 2005:

Kung mayaman ka, meron kang "allergy"Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang".......cont'd


Koment ko lang:

Galeng mo [Motmot].
 
Say ko lang lahat ng sinabi mo ay may kaugnayan sa kung paano tayo naisahan ng ating mga sariling kalokohan. Napaniwala tayo na ang ang mga pinagandang salita ay ang susi o mas mahalagang bagay na dapat yakapin upang mapanatili tayong "hiwalay" sa mga taong wala o walang sinabi. Dito tayo napapanahon na kung saan marami ang nag-aakalang may karapatan na [tayong] makapagmalaki at mang-api ng kapwa dahil [tayo] ay mas edukado o [mas] marami [ang] salapi.
 

Kung babalikan natin ang nakaraan, ang naging simulain ng mga unibersidad ay upang hatiin lalo ang uri ng mga tao. Yung mga walang kakayahan na makap-aral ay naging mangmang. At ang mga nabigyan ng edukasyon ang binigyan ng "legality" na magdesisyon sa pamumuhay ng mga walang edukasyon. Duon nag-simula ang mga taon[g] "mal-edukado."
 

Kaya ang kayabangan na dulot ng mga taong hindi alam gamitin ang karunungan ay laging naka-umang sa mga bagay na nagpapanatili sa kanilang akalang karangyaan.
 

I have met and known numerous uneducated/unschooled people who are actually more intelligent than those who have gone through colleges or universities. At meron akong alam na nagtapos ng matataas na kurso na walang alam gawin at sabihin kundi puro kahangalan at kamangmangan.
 

Sana, manatili tayo naka-ugnay sa kung ano ang dapat na mas mahalaga para tayo ay makahanap ng mas makabuluhang pagbubuo ng ating sarili sa ating komunidad at hindi maging ahente ng pagwawasak nito.
 

Salamat at magandang araw sa iyo.
 
 
 
P.S. 


"College Today is a Real Waste of Time and Money!"


Nais ko sanang intindihin kung ano na nga ba ang idinudulot ng karunungan sa ating mga kabataan habang sila ay nasa pangangalaga ng ating sistema ng edukasyon. Matagal na akong nakumbinse nuon pa mang ako ay nasa unibersidad pa bilang isang mag-aaral na "College is really a waste  of time and money." Wala naman kasing naging makabuluhang kontribusyon ang mga tinapos ng mga kabataan sa kanilang natamong kaalaman. Hanggang ngayon ay naghihirap pa rin ang ating bansa dahil hindi na rin naging epektibo ang pamamahala ng mga "marurunong" na nauna na sa atin.



Naghahalong awa at inis ang nararamdaman ko sa napakaraming estudyante ngayon ang umaasang sila ay mas magiging ganap na mahalagang tao kung sila ay nakakapag-college sa Pilipinas. Kung alam lang nila, NO COMPETITION tayo sa ibang colleges and universities abroad.
 

Pero kung maka-asta kala mo big time na--yun din kasi ang akala ko noong may Masters na rin ako.
 
Kahit nga ang ate ko na kahit nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas ay kailangan pang kumuha ng karagdagang edukasyon sa Europa dahil katumbas lang daw ng "second year" college ang kaalaman natin kumpara sa kanila. May mga Aleman pa nga akong kaibigan na hindi pa nakakadama ng kumpiyansa sa kanilang kaalaman hanggat wala silang PhD! Yan din kasi ang minsang pahayag sa akin ni Dr. Thorsten Grahn. Dahil nga kase sa tindi ng kompetisyon sa kanila.


Samantalang sa ibang bansa naman, gaya halimbawa ng Hapon,  ay mas pinahahalagahan ang iyong natamong kaalaman kahit ikaw ay wala pang diploma. Ang tanong kase sa kanila ay kung ano ang alam mong gawin sa nalalaman mo kahit na high school ka palang.


Marami tuloy sa kanila ang ganadong mag-imbento ng kung anu-ano. Imagine, kada taon ay mahigit limanlibo ang napapalista sa patent office nila. Samantalang tayo ay wala pang pitumpo ang napapa-patent o nai-imbentong produkto.


Kaya talagang sa kankungan tayo ngayon pupulutin dahil puro na lang porma.Porma porma porma! Pag niyayaya ako [i mean, pag nili-libre pala] ako na mag-golf  lagi ang sinasabi ko sa mga kalaro ko, "If you cant perform, just form! And if you can not play, just display!" Hayun, pa-swing-swing na lang kala mo feeling Ernie Els.

[Michelle whacking it good--whooaa, look at the Form! O di bah?--galeng no? ]

And what about Michelle Wie? Grabe humataw ang gurl na 'to. Very phenomenal. At mahal ko na talaga sya! See her pics here why I get refreshed looking at her. Ganda ng smile di bah? And of course she's such a special gurl. Nakaka-inspire ang talent.


[click image to know more about my michelle]



Back to topic...at talaga sa ating bansa ngayon, wala kang kinabukasan kung wala kang malufet na diploma. Geez. Andami sa Recto nun.

 
At kahit na Atenista ka o taga-PUP, wala namang guarantee na ang napulot mong kaalaman ay sapat na sapat.  You still need to keep updating yourself in the "school of life" if you want to survive. Otherwise, wala ka rin naman talagang maraming alam kagaya ko. Mas tinatamaan pa nga ako ng mga alam ng mga batang namumulot ng basura sa Payatas kung paano mamuhay ng parehas kung kayat hindi ako ganap na epektibo para hikayatin sila na  subukan linangin ang kanilang talento sa edukasyon. May mga nagtapos kasi sa hanay nila at yun din ang mga nag-aapi sa kanila ngayon. Sumagi tuloy sa akin ang isinulat ng nasirang Fr. Niall O'Brien at Paulo Freire--ang mga idolo ko na sumusuri sa pagiging oppressor din ng mga dating oppressed. 

 

Samantala, sabi nga sa akin ng kabigan kong kabataan na si  Rico Villanueva na nasa Cambridge University ngayon nagtuturo ay halos wala ng kwenta ang natutunan mo pagkatapos lang ng tatlong buwan!
 
 
Dahil nga sa dami  ng  katanungan at bilis ng pag-ikot ng mundo natin ngayon, hindi na raw sapat ang kahit lima ang Masters at PhD mo.
 
 
At ang hindi alam ng marami ay nasa matinding crisis ang learning system natin ngayon kahit na sabihin mong Lasalista ka o taga-Calubaquib College ka ni Imelda Marcos, negosyo lang at pera-pera lang halos ang habol ng mga maraming institusyon, kahit sabihin mong simbahan pa ang nagpapatakbo nun .
 

Anywayzzz, I don't want to get more philosophical or psychological or metaphysical or transcendental, basta ang punto ko lang muna ngayon ay dapat tayong lumingon sa dapat na kabutihan na nais idulot ng edukasyon, otherwise, college is really a waste of time and money. Dahil wala rin talaga tayong sapat na nakuhang karunungan na angkop sa  tunay na katayuan na ating bansa (aanhin mo maging mechanical engineer kung sa Jollibee ka lang pala mag-aaply as crew; or you got your MA in Industrial Psychology from Ateneo tapos nagpi-pyramyding ka lang pala ngayon--sorry, bechay, anyabang mo na ngayon big time ka na yung yaya mong three years na sayo ampayat-payat naman ikaw ga-barko na ang nalunok mo at hanggang one-five lang ang pa-sweldo mo. Grrr. Tapos di mo na makita ang tama dahil binulag ka na ng dios mong pera at  kesyo you deserve to own the world? More grrr....)



Tunay na walang kwenta ang edukasyon kung tayo ay manliliit at manlalamang ng ating mga kapwa. Hndi tayo tunay na  makakatulong sa ating lipunan kung mamumuhay lagi ng HINDI PAREHAS--nagbabalak lagi kung paano makakapagnakaw ng daang-daang milyon sa ating natamong kaalaman. O basta na lang mambabaril ng kapwa mo sa Glorietta! Saan kaya natuto ang taong yun ng astang ganun?

 
Salamat ulit sa inyong pagpapaubaya.
 
:)



Kung gusto mo akong diretsuhin, pwede mo na akong barahin sa g8krazzer@yahoo.com
 
 
 

Pa-advertise lang:  Sabihin nyo lang kung ikakasal na kayo this June o magpapa-debut, sagot ko flowers and all the arrangements he he.  Thanks. 
www.pinktulip.ne1.net   Parehas kami dyan. :) If you need me now, text +63920-4337184
 




 

Posted at 01:00 pm by g8krazzer

shiko-chan
June 12, 2005   01:27 PM PDT
 
about yung sa Japan--well, i don't know about the thing na basta may talent/galing/knowledge ka, encouraged ka na nila. sa kanila nga yung mga nagpapakamatay at pumapatay para lang makapasok sa prestigious colleges diba... yung mga cram schools na inhuman ang class hours para lang makapasa sa mga entrance exam ng mga big-time universities.

but with your ideas, definitely, agree ako. maraming nakakapagtapos na bobo. maraming hindi nakakapagtapos na matalino. wala naman talagang pwedeng maging basehan ng paghahatol sa tao... kundi yung tao mismo at ang mga katangiang taglay niya o hindi. diba? :)

btw, baka gusto mong baliktarin yung format ng entries mo? mejo nakakalito kasi sa akin pagdating ko, kala ko di ka pa nag-uupdate, andito pala sa baba :) pero well, kung style mo yan, you're entitled to it. hehe. ayun lang. :)
G8Krazzer
June 12, 2005   10:55 PM PDT
 
Yah, hundi ko talaga alam ang sistema nila sa entrance ng coleges. Pero and sinasabi ko lang pag meron kang naimbentong bagay, they don't care kung me diploma ka as long nagagamit mo in practice yung theories mo. Ang pina-ka punto ko ay dapat tayong bigyan ng encouragements and room or space to explore and develop our skills and talents para mapakinabangan nating lahat para naman makasali na sa mainstream ng economy kahit bata pa tayo at hindi puro iskul bukol lang ang ginagawa sa skul.

Thank anyways sa comment.
shiko-chan
June 14, 2005   12:03 AM PDT
 
hay. true. ang hirap lang talaga, as might be expected, halos walang perang inaallot yung gobyerno for patents and research grants and whatever. (for all the usual reasons, etc.) tapos i guess sa level ng economy natin, na mainly survival pa lang ang iniisip ng karamihan ng tao, wala pang gaanong incentive para mang-imbento.

of course, meron pa rin nga lang mga tao tulad nung Pinoy na nag-imbento ng baby incubator... and so on... :)
G8krzr
June 14, 2005   12:50 AM PDT
 
Oo nga. Kaya what I hope to keep on proposing in my community development initiatives is to veer away from expecting from the gov't kase wala talaga silang sincerity na tulungan ang mga tao. Kaya me and my friends look consider the "asset-based" approach in building communities. Meaning, we begin with what we already have and jump from there. For example, pwede pa lang mag-pool ng resources ang isang neighborhood to put up their own livelihood programs. Mas bilib pa nga sila later on na nakaya nila challenges kahit walang external funding. Ganun din kase ang hope ko na makita ng mga tao na there are more important things we need to realize for ourselves na hindi naman kailangan na pera alone ang kailangan to move forward the community.
shiko-chan
June 14, 2005   11:14 PM PDT
 
hear, hear. i think meron din namang mga programs na ganon...marami-rami rin ata yung mga NGOs, both local and int'l, na gumagawa ng mga ganyang bagay sa mga communities, both rural and urban. from what i've heard, i'm pretty sure usually ang kulang lang talaga sa mga ganong efforts is that, mainly, (1) hindi sila organized among themselves, so minsan hindi nagiging efficient ang pagse-setup ng programs at nasasayang minsan ang resources; and (2) kulang ng people with the skills and experience necessary. baka pwede kang makapaghanap ng mapaparaan dito? since interesado ka pa naman at lahat. :)

good luck :D
Popin
June 21, 2005   07:24 PM PDT
 
haha! really? di ko maimagine na ang knowledge na naaccumulate natin in 4 years ay 2nd yr lang ang ka-level sa Europe! but this does not necessarily imply that we are incapable of competing with people from diff nations. pero mas may edge tayo if we pursue our studies abroad. hay. nakakadepress na ang pangyayari dito sa Phil. anyway. wanna hear your reaction naman about GMA's controversial "Hello Garci" (hehehe!) tape. authentic ba or fake? watchathink?
g8krzr
June 22, 2005   03:02 AM PDT
 
popin! thankx a mucho!


HIndi naman isyu ang diskarte nateng mga Pinoy maki-compete sa iba--magaling tayo sa ganyan. Ang concern ko lang ay kung bakit naghihirap pa rin ang bansa natin sa kabila ng mahusay pala tayo.

San nga ba talaga naten dinadala ang natutunan natin? Yun ang hinahanap ko sa mga nagtataglay ng maraming karunungan.

ALam mo ba kung saan ako maghahanap?

Para saan ba talaga natin gagamitin ang mga kaalaman natin upang ito ay magkaroon ng silbi o kabuluhan sa ating ka-henerasyon?






abby
October 31, 2009   02:26 PM PDT
 
Funny -- thank you. I had to make one myself.

<a href="http://www.flashpapers.com/">Term papers</a>
Term papers
November 11, 2009   04:17 PM PST
 
Very nice write up. Easy to understand and straight to the point.
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry